^

Bansa

Bangit bagong hepe ng AFP

- Joy Cantos, Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Inihayag kahapon ni Pa­ngulong Gloria Ma­ca­pa­gal-Arroyo na si Army Chief Lt. Gen. Delfin Bangit ang susunod na chief of staff ng Armed Forces of the Philippines kapalit ni Gen. Victor Ibrado na magre­retiro bukas matapos nitong ma­abot ang mandatory na retiring age na 56.

Si Bangit na nagsilbi bilang hepe ng presidential security group ni Mrs. Arroyo ay naunang nahi­rang na hepe ng Philippine Army at miyembro ng PMA Makatarungan Class of 1978.

Si Bangit ang magi­ging ika-40 hepe ng AFP at ika-11 hepe ng militar sa buong panahon ng panunungkulan ng administrasyong Arroyo.

Nangako si Bangit na paiiralin ang propesyuna­lismo at disiplina sa hanay ng 125,000 malakas na puwersa ng AFP.

Isasagawa naman ang turnover ceremony o pagsasalin ng kapangyarihan ni Ibrado kay Bangit sa Marso 10 na inaasahang dadaluhan ni Pangulong Arroyo bilang panauhing pandangal.

Ayon naman kay Ibra­­do, isang mahusay na opis­­yal si Bangit at kara­pat­dapat itong maging suc­cessor niya bilang Chief of Staff.

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY CHIEF LT

BANGIT

CHIEF OF STAFF

DELFIN BANGIT

GLORIA MA

MAKATARUNGAN CLASS

MRS. ARROYO

PANGULONG ARROYO

SHY

SI BANGIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with