Kandidatura ni Acosta ibinasura ng Comelec

MANILA, Philippines - Ibinasura na ng Commission on Elections (Comelec) ang kandidatura ni presidential candidate at standard-bearer ng Kilusang Bagong Lipunan Kilusang (KBL) na si Vetellano Acosta.

Ayon kay Comelec Commissioner Nicodemo Ferrer, ibinasura ang kandidatura ni Acosta batay na rin sa sariling pronouncement at pahayag ni KBL vice-presidential bet Jay Sonza na hindi suportado ng partido si Acosta. Giit ng opisyal, ang nasabing mga pahayag umano ay ebidensya na walang kakayahang maglunsad ng nationwide campaign ang kandidato.

Sa isang panayam, sinabi umano ni Acosta na wala na siyang balak na mangampanya at kaniya na lamang ipina­uubaya sa Diyos ang kaniyang kandi­datura. (Doris Franche)

Show comments