^

Bansa

'Morong 43' ililipat sa PNP

-

MANILA, Philippines - Inirekomenda na ni outgoing AFP Chief Gen. Victor Ibrado na paglilipat ng kustodya ng “Morong 43”  sa Philippine National Police.

Ang Morong 43 ang mga inarestong umano’y opisyal at tauhan ng mga rebeldeng New People’s Army sa isang private resthouse sa Morong, Rizal noong Pebrero 6, 2010.

“As far as the AFP is concerned, the Chief of Staff has already recommended that the 43 be transferred to the custody of the PNP, yung ang pinaka-immediate na plano,” ani AFP Public Affairs Office (AFP-PAO) Chief Lt. Col. Romeo Brawner Jr.

Pero nilinaw ni Brawner na dahil may nakabimbin pa ring kaso laban sa Morong 43 ay hihintayin nila ang desis­yon ng korte ukol sa pla­nong paglilipat ng kusto­dya sa mga inarestong suspect.

Sakaling pahintulutan ng korte ang pagsasalin sa kustodya ng Morong 43 ay ikukulong ang mga ito sa Rizal Provincial Jail sa Taytay, Rizal. (Joy Cantos)

ANG MORONG

CHIEF GEN

CHIEF LT

CHIEF OF STAFF

JOY CANTOS

NEW PEOPLE

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PUBLIC AFFAIRS OFFICE

RIZAL

RIZAL PROVINCIAL JAIL

ROMEO BRAWNER JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with