^

Bansa

Hacienda Luisita merong tenants noong 1967

-

MANILA, Philippines - Kinondena ng United Luisita Workers’ Union ang mga may-ari ng Hacienda Luisita sa Tarlac sa na­unang pahayag noong 1967 na hindi nila ipina­ma­hagi ang lupain ng ha­cienda dahil wala na­mang tenants noong mga pana­hong iyon.

Inihayag nina ULWU president Lito Bais at founding member Fe­de­rico Laza na humigit-ku­mulang sa 300 pamilya ang mga tenant ng Luisita nang dumating na ang panahon para sa pama­mahagi nito noong 1967.

Kinilala ng dalawa, bukod sa kanila, ang ilan sa mga tenant na sina Rogelio Laza, Tito Tiglao, Jose Gali, Bienvenido Miclat, Tomas Arcilla, Faus­tino Arceo, Benjamin Quiambao, Rogelio Cruz, Domingo at Dominador Tiglao, Paeng dela Cruz, Paulino Cruz, Danillo Adriano, Amado Layco, Camilo Miclat, Orlando Baniqued, Federico Poli­carpio, Dominador Pi­neda, Victor Nalian at Renato Garcia.

Sinabi ni Laza na silang lahat ay nakatira sa Ba­rangay Parang sa sakop ng hacienda sa bayan ng Concepcion sa Tarlac. 

Ang Parang ay isa lamang sa 10 barangay sa kabuuan ng Luisita. “Sa siyam na barangay na ito ay mayroon na ring mga tenant na tulad namin ay nagsasaka na bago pa man nag-1967,” ayon kay Laza.

Idinagdag pa ni Laza na ang kanilang mga magulang at ninuno ang mga nagtanggal sa kagu­batan ng Luisita nang ma­bili ito ng mga Cojuangco.

“Patuloy kaming nag­trabaho bilang mga sa­kada sa mga Cojuangco matapos nilang mabili ang Luisita. Kaya paano nila nasikmurang sabihin na walang tenant sa hacienda noong 1967 kaya’t hindi nila ipinamahagi ito,” tanong nina Bais at Laza. (Butch Quejada)

AMADO LAYCO

ANG PARANG

BENJAMIN QUIAMBAO

BIENVENIDO MICLAT

BUTCH QUEJADA

CAMILO MICLAT

LAZA

LUISITA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with