^

Bansa

US envoy hanga sa BI reforms

-

MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng United States embassy ang ipinatupad na reporma sa Bureau of Immigration (BI) ni Commissioner Marcelino Libanan.

Sa ginawang pagbisita ng mga opisyal ng US embassy sa gusali ng BI sa Intramuros Maynila sa pangunguna ni Consul General Karen Christensen, ikinagalak nito ang bagong itsura ng BI.

Sinabi ni Christensen na ang pagbabago at reporma na ginawa ni Libanan ay isang malaking tulong para sa improvement ng imahe ng Pilipinas sa paningin ng mga foreign travellers at dayuhang negosyante.

Ang pahayag nito ay ginawa habang nililibot nila ang ibat ibang tanggapan sa BI building na mayroon nang mga makabagong komunikasyon at computer facilities.

Kabilang sa mga tanggapan na binisita ng dele­gasyon ay BI national o­perations center, Interpol unit, anti-fraud division, at ang information techno­logy at records sections.

Ang mga makabagong pasilidad ay nailagay lamang ng maupo si Libanan noong Mayo 2007.

Pinapurihan din ng US embassy delegations ang mga ipinatupad na programa ni Libanan kabilang dito ang visa-issuance-made-simple (VIMS) scheme, na napagaan ang proseso para sa aplikasyon ng mga visa, pre-arranged visa para sa mga dumating na dayuhang negosyante at ang special visa for employment generation (SVEG).

Nagulat din ang delegasyon ng kanilang mabatid na mayroon ng equipment ang BI na machine readable passports. (Butch Quejada)

BUREAU OF IMMIGRATION

BUTCH QUEJADA

CHRISTENSEN

COMMISSIONER MARCELINO LIBANAN

CONSUL GENERAL KAREN CHRISTENSEN

INTRAMUROS MAYNILA

LIBANAN

UNITED STATES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with