MANILA, Philippines - Nagpahayag ng pagsuporta ang mga miyembro ng iba’t ibang foreign chambers sa Pilipinas sa pagpasa ng panukalang Philippine Immigration Act na nakabimbin sa Kongreso, sa pagsa sabing makatutulong ito sa pag-akit ng turista at investors sa bansa.
Sa pulong kay Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan noong Martes, sinabi ng mga opisyal ng Joint Foreign Chambers of the Philippines (JFCP) na ang panukala ay makaka-engganyo sa mga dayuhan na bumisita at magnegosyo sa bansa dahil tutulungan nito ang bansa na makasabay sa mga trend sa tourism at economic development.
Posible rin na maging top destination para sa medical tourism ang Pilipinas dahil maraming dayuhan ang gustong magpagamot dito. (B. Quejada)