^

Bansa

Oil shortage napigil sa kasunduan ng government at Shell

-

MANILA, Philippines - Upang maiwasan ang oil shortage sa bansa, tinanggap ng Pilipinas Shell Petroleum Corporation ang panukala ng pamahalaan na magbigay ito ng surety bond sa Court of Tax Appeals bilang security para sa umano’y tax deficiency na nagkakahalaga ng P7.35 billion.

Ibinigay ng Pilipinas Shell ang nasabing bond sa pamamagitan ni Solicitor General Alberto C. Agra para ma-secure ang hinahabol ng Bureau of Customs sakaling lumabas ang huling hatol sa dinidinig na tax case.

Pinaboran ang alok na bond makaraang magkasundo ang Pilipinas Shell at Executive Department para maiwasan ang oil shortage crisis dahil na rin sa pananakot ng BOC na kukumpiskahin nito ang lahat ng papasok na raw materials para sa paggawa ng gasolina. Gayunpaman, ihahayag ng Pilipinas Shell ang pagbabawas ng kani­lang kasalukuyang imbentaryo sa sandaling maayos na ang nasabing kaso.

Sinabi ni Pilipinas Shell for Vice President for Communication Bobby Kanapi na isang positibong resolusyon ang pangunang kasunduan ng pamahalaan at ng Shell para maiwasan ang kakulangan sa suplay ng langis na lubhang makakaapekto nang masama sa publiko at sa ekonomiya. Nagpahayag siya ng pasasalamat kay Pangulong Gloria Arroyo at iba pang opisyal ng pamahalaan na tumulong sa pagkakaroon ng kasunduan.

Dahil sa bond na nilagak ng Pilipinas Shell ay pinapayagan na itong mag-import ng products at raw materials na kinakailangan para sa supply ng may 30% market nito.

Subalit, tuluy-tuloy pa rin ang pagdinig ng tax case sa Court of Tax Appeals para malaman ang isyu hinggil sa “double taxation” gayundin kung ang iniimport ng Pilipinas Shell na Catalytic Cracked Gasoline at Light Catalytic Cracked Gasoline ay raw materials na hindi dapat patawan ng excise taxes. (Butch Quejada)

vuukle comment

BUREAU OF CUSTOMS

BUTCH QUEJADA

CATALYTIC CRACKED GASOLINE

COMMUNICATION BOBBY KANAPI

COURT OF TAX APPEALS

EXECUTIVE DEPARTMENT

LIGHT CATALYTIC CRACKED GASOLINE

PILIPINAS SHELL

SHELL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with