^

Bansa

Scholarship para sa mga kaanak ng OFW sa Taiwan inilunsad ng MECO

-

MANILA, Philippines - Pormal ng inilunsad ng Manila Economic and Cultural Office (MECO)  ang bagong scholarship program para sa mga kuwa­lipikadong miembro ng pamilya ng mga OFW par­ti­kular yaong mga nagna­nais mag-enrol sa science at  technology college courses.

Inihayag ni MECO Chairman Tomas I. Alcan­tara na ang naturang prog­rama ay inilunsad sa pakikipag­tulungan ng Department of Science and Technology Science Education Institute (DOST-SEI) upang mabig­yan ng pagkakataon ang may 10 kuwalipikadong kaanak ng OFW sa Taiwan.

Binigyang diin pa ni Alcantara na ang progra­mang ito ng MECO ay ma­laking tulong upang mapa­tatag ang kapabilidad ng bansa na makalikha ng mga de-kalibreng scientists, engineers, physicists, at iba pang S&T professionals.

Ang MECO at DOST-Science Education Institute (DOST-SEI) ay lu­magda sa isang Memorandum of Understanding para sa MECO-DOST-SEI Scholarship Program sa mga karapat-dapat na anak o kaanak ng mga OFW na kasalukuyang nagsisi­pagtrabaho sa Taiwan o yaong mga isang taon ng nagtrabaho sa naturang bansa.

ALCAN

BINIGYANG

CHAIRMAN TOMAS I

DEPARTMENT OF SCIENCE AND TECHNOLOGY SCIENCE EDUCATION INSTITUTE

MANILA ECONOMIC AND CULTURAL OFFICE

MEMORANDUM OF UNDERSTANDING

SCHOLARSHIP PROGRAM

SCIENCE EDUCATION INSTITUTE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with