MANILA, Philippines - Nagbabala na ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa ‘rabies’ na mas dapat katakutan at mas higit na deadly virus kumpara sa tumataas na kaso ng tigdas at iba pang nakamamatay na sakit ngayong summer season.
Ayon kay Dr. Raffy Viray ng National Rabies Prevention and Control Program ng DOH, pang-lima ang Pilipinas sa buong mundo na may mataas na kaso ng rabies sunod sa bansang India, China, Pakistan at Bangladesh.
Noong isang taon, umabot sa 250 tao sa buong bansa ang nasawi sa nasabing virus.
Pinakamataas ang insidente ng rabies sa panahon ng bakasyon o ngayong tag-init kung kailan maraming bata ang nag lalaro sa labas ng bahay.
Dagdag pa ng ahensya, ang nakakatakot sa nasabing sakit, 100 porsyento ang kasiguruhang mamamatay ang taong nakapitan ng virus kung hindi maagapan sa loob ng 24 oras.
Bunga nito, pinapayuhan rin ng DOH ang mga may-ari ng aso na ipabakuna ang kanilang mga alaga sa kanilang mga health center. (Doris Franche)