^

Bansa

Rabies mas 'deadly' sa tigdas - DOH

-

MANILA, Philippines - Nagbabala na ang Department of Health (DOH) sa publiko hinggil sa ‘rabies’ na mas dapat kata­kutan at mas higit na deadly virus kumpara sa tumataas na kaso ng tigdas at iba pang naka­mamatay na sakit ngayong summer season.

Ayon kay Dr. Raffy Viray ng National Rabies Prevention and Control Program ng DOH, pang-lima ang Pilipinas sa buong mundo na may mataas na kaso ng rabies sunod sa bansang India, China, Pakistan at Bang­ladesh.

Noong isang taon, umabot sa 250 tao sa buong bansa ang nasawi sa nasabing virus.

Pinakamataas ang insidente ng rabies sa panahon ng bakasyon o ngayong tag-init kung kailan maraming bata ang nag­ lalaro sa labas ng bahay.

Dagdag pa ng ahen­sya, ang nakakatakot sa nasabing sakit, 100 por­syento ang kasiguruhang mamamatay ang taong nakapitan ng virus kung hindi maagapan sa loob ng 24 oras.

Bunga nito, pinapayu­han rin ng DOH ang mga may-ari ng aso na ipaba­kuna ang kanilang mga alaga sa kanilang mga health center. (Doris Franche)

AYON

BUNGA

DAGDAG

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

DR. RAFFY VIRAY

NAGBABALA

NATIONAL RABIES PREVENTION AND CONTROL PROGRAM

NOONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with