^

Bansa

9 pampaganda may mercury

-

MANILA, Philippines - Binalaan ng Food and Drugs Administration (FDA) ang publiko sa paggamit ng mga beauty cream products kasabay ng pagbabawal sa pagbebenta ng siyam na hindi rehistradong produkto na nagtataglay umano ng labis na mercury.

Batay sa FDA Circular 2010-004 na ipinalabas ni FDA Acting Director Nazarita Tacandong noong Pebrero 18, nabatid na kabilang sa mga produktong ‘ban’ ang pitong face cream products na Jiaoli Huichusu Whitening Speckles Removal Cream;  Xin Jiao Li 7-Days Specific Eliminating Freckle Cream; Jiao Li 10-Days Eliminating Freckle Day & Night Set;  Jiao Li 7-Days Eliminating Freckle AB Set; Jiao Liang Miraculous Cream;  Xin Jiao Liang 7-Days Miracle Package for Spots Refining at ang Jiao Mei Miraculous Cream.

Kabilang din ang dalawang whitening cream products na kinabibila­ngan ng Jiao Yan Specific Miraculous Cream at Jiao Li Extra Pearl Facial Cream.

Nabatid sa FDA na natuklasang may taglay na mahigit sa one part per million (ppm) na  mercury ang mga produkto na mapanganib sa kalusugan.

Kasabay nito, hiningi din Department of Health ang tulong ng law enforcement agencies at local government units sa pagtukoy sa mga establisimyentong nagbebenta ng mga beauty cream products na kabilang sa ipina-ban, para masampahan ng kaso. (Ludy Bermudo)

ACTING DIRECTOR NAZARITA TACANDONG

CREAM

DAYS ELIMINATING FRECKLE

DAYS ELIMINATING FRECKLE DAY

DAYS MIRACLE PACKAGE

DAYS SPECIFIC ELIMINATING FRECKLE CREAM

DEPARTMENT OF HEALTH

DRUGS ADMINISTRATION

JIAO

JIAO LI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with