Diwa magsasagawa ng motorcade
MANILA, Philippines - Magsasagawa ng mga pampublikong pagtitipon ang DIWA partylist sa mga istratehikong lugar sa bansa para mapalakas ang kampanya ng kandidatura nito sa Kongreso sa halalan sa Mayo 10.
Sa Metro Manila, sisimulan ang kampanya sa isang motorcade bukas mula sa Elliptical circle sa Quezon City hanggang sa Quirino Grandstand sa Luneta sa Maynila.
Itinataguyod ng DIWA (Democratic Independent Workers’ Association) ang adhikain ng mga independent at itinerant workers, professionals, retirees, guwardiya at magsasaka.
Sinabi ni DIWA partylist EVP for NCR Em Aglipay na tututukan ng kanilang organisasyon ang naturang mga sektor na hindi gaanong naipagtatanggol at natutulungan.
Sinabi pa ng DIWA na prayoridad nito ang pangangalaga sa security of tenure ng mga manggagawa na naikaklasipikang kontraktuwal o kaswal at ang paglikha ng Magna Carta for Informal Sector Workers.
- Latest
- Trending