Marking tiniyak ng Comelec na sapat
MANILA, Philippines - Tiniyak ng Commission on Elections na may sapat na security markings ang mga balotang gagamitin para sa halalan sa Autonomous Region in Muslim Mindanao.
Ang paniniyak ay ginawa ng Comelec bilang tugon sa isyung inilabas ng grupong Kontra Daya na kinabibilangan ng ilang pari, madre at mga militante matapos umanong ibunyag ng isang empleyado ng National Printing Office.
Ayon kay Comelec Commissioner Gregorio Larrazabal, lahat ng balotang gagamitin ay may kani-kaniyang security markings.
Magugunitang kahapon ay lumitaw ang ulat na hindi nalagyan ng sapat na markings ang mga balotang unang naimprinta base na rin sa pagbubunyag ng isang empleyado umano ng NPO. (Doris Franche)
- Latest
- Trending