Duda ugat ng diskontento ng Pinoy
MANILA, Philippines - Pagdududa ang ugat ng tila paulit-ulit at pana-panahon na diskuntento ng mga Pilipino katulad ng nangyari sa dalawang nagdaang Edsa revolution.
Ito ang pananaw ni Ateneo Law Dean Cesar Villanueva nang kapanayamin siya sa “Ituwid Natin” program nina Boy Abunda at Toni Gonzaga sa ANC.
Pinuna ni Villanueva na, sa EDSA 1 at EDSA 2, nagkaisa ang mga Pilipino para patalsikin ang isang tiwaling gobyerno pero maghihinala na naman sila kinalaunan sa iluluklok nilang bagong gobyerno kaya patatalsikin din nila ito.
Ginawa ni Villanueva ang pahayag bilang reaksyon sa komentaryo ni dating RAM Col. Red Kapunan na bumabalik na naman tayo sa cycle of discontent kung saan ay naririyan na naman ang pagdududa ng lahat.
Iginiit naman ni Villanueva na kailangang magtrabaho ang lahat upang makamit ng bansa ang tunay na pagbabago para sa ikabubuti ng lahat at dapat alamin din kung ano talaga ang pagkataong Pilipino. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending