^

Bansa

Among Ed sibak sa pagka-Gob!

-

MANILA, Philippines - Inatasan ng Commission on Elections si priest-turned Pampanga Governor Eddie “Among Ed” Panlilio na bumaba na sa kaniyang puwesto, ka­sunod nang pagdedek­lara nito kay Lilia Pineda bilang siyang nanalong gober­nador ng lalawigan noong 2007.

Sinabi ng Comelec Se­cond Division sa desisyon nito na lumitaw sa isina­gawa nilang recount na si Pineda ang nanalo sa ha­lalan at hindi si Pan­lilio, matapos na maka­kuha ang una ng botong 190,729, na mas mataas ng 2,011 kumpara sa 188,718 na botong nakuha ng dating pari.

Si Pineda ay asawa ng negosyanteng si Ro­dolfo ‘Bong’ Pineda na malapit kay Pangulong Arroyo.

Hindi naman na ikina­bigla pa ng kampo ni Pan­lilio ang naging desisyon ng Comelec dahil matagal na umano nilang alam na hindi sila ang papaburan ng poll body sa kasong ito.

Tiniyak naman ni Atty. Sixto Brillantes, abogado ni Panlilio, na iaapela nila ang kaso at haharangin ang pagpapaalis kay Panlilio sa pwesto.

Si Panlilio na ang ikat­long miyembro ng Partido Liberal na sinipa sa pwesto ng Comelec ilang buwan bago ang eleksyon sa Mayo.

Unang idineklara ng Comelec Second Division na natalo sa 2007 elections ang mga kasalu­kuyang Gobernador ng lalawigan ng Isabela na si Grace Padaca at si Jose­lito “Jonjon” Mendoza ng Bulacan.

Samantala, diringgin umanong muli ng Comelec ang electoral protest na inihain ni dating Agrarian Reform Secretary Roberto Pagdanganan laban kay Mendoza sa Lunes.

Alinsunod sa panun­tunan ng Comelec, apat na boto ang maituturing na majority vote.

Sa kaso ng protesta ni Pagdanganan laban kay Mendoza, tatlong boto lamang ang pumabor kay Pagdanganan, at tatlo ang Commissioner na hindi nag-participate sa botohan habang isa ang nag-dissent.

Nabatid na kabilang sa tatlong Commissioners na bumoto pabor kay Pagda­nganan ay sina Nicodemo Ferrer, Elias Yusoph, at Lucenito Tagle.

Hindi naman lumahok sa botohan sina Comelec Chairman Jose Melo at Commissioner Gregorio Larrazabal dahil malapit umano sila sa mga concerned parties.

Hindi rin bumoto si Velasco dahil bagong Commissioner lamang ito ng Comelec, at hindi umano niya personal na napag-aralan ang mga ebidensya sa isyu.

Sinabi ni Ferrer na sa gagawing muling pagdi­nig sa isyu, muli silang mag­bobotohan upang mag­karoon ng majority vote. (Doris Franche/Mer Layson)

AGRARIAN REFORM SECRETARY ROBERTO PAGDANGANAN

AMONG ED

COMELEC

COMELEC CHAIRMAN JOSE MELO

COMELEC SE

COMELEC SECOND DIVISION

COMMISSIONER GREGORIO LARRAZABAL

MENDOZA

PANLILIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with