Ondoy victims nabigyan ng bahay

MANILA, Philippines - Magandang kinabu­kasan ang hinaharap ngayon ng may 1,813 pamilya na pinaalis sa Tullahan River at nabik­tima ng bagyong Ondoy noong Setyembre 26 matapos na magtayo ng tirahan ang city government ng Valen­zuela City sa Barangay Ugong sa nabanggit na lungsod.

Sinabi ni Valenzuela City Mayor Sherwin Gat­chalian sa isang pulong-balitaan na tatlong gusali na may tig-16 na unit ang sinisimulan nang gawin ngayong Pebrero 12 sa tulong ng local na pama­halaan, non government organization at mismong mga benifi­ciaries.

Nabatid na ang “Disi­plina Village”, ay itatayo sa may 1.9 hek­taryang lupain sa Ba­rangay Ugong kung saan may 900 pamilya ang magkakaroon ng paba­hay habang sa Ecology Center naman sa Marulas itatayo ang susunod na 900 pa­bahay para sa mga pa­milya biktima ng Ondoy.

Ayon kay Gatchalian, uupa lamang ng P300-P500 Kada buwan ang isang pamilya sa loob ng 25 taon.

Ito lamang ang naiisip ni Gatchalian na pinaka­ma­gaan at mabilis na solus­yon para matulu­ngang magkabahay ang mga informal settlers na nakatira sa gilid ng creek sa tulla­han river na isang danger zone. (Doris Franche)

Show comments