^

Bansa

'Wag pasilaw sa pera at popularidad' - Gibo

-

MANILA, Philippines - Hinikayat ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. ang taum­bayan na huwag magpa­pasilaw sa kinang ng salapi at popularidad ng kandidato at, sa halip. piliin ang kandidatong may kakayanan na pamu­nuan ang bansa.

Ito ang idiniin ni Teo­doro sa kanyang campaign kick-off rally kama­kalawa ng gabi sa Ynarez Gym sa Antipolo City na dinaluhan ng mahigit 30,000 sup­porters­.

Tiniyak din niya na mananatili ang kanyang pangangampanya sa disenteng pamamaraan at walang pag-atake o pa­ninira sa kanyang mga kalabanan.

Naniniwala si Teodoro na matatalino ang mga botanteng Pilipino at mag­­dedesisyon ito sa pagpili ng susunod na presidente sa pamama­gitan ng talino, kakaya­han, plataporma at pana­naw para sa bansa ng isang kandidato at hindi dahil sa salapi at sa popu­laridad nito.

Kasama ni Teodoro sa kick-off rally ang kanyang runningmate na si Edu Manzano at mga senatorial candidates ng admi­nistrasyon na sina re-electionist Senators Bong Revilla, Lito Lapid, broadcaster Rey Langit, dating Secretary to the Cabinet Silvestre Bello III, League of Municipalities president Ramon Guico at Raul Lambino.

Nangako naman si Rizal Gov. Casimiro Ynarez Jr. na sisikapin ng kanyang mga kababayan sa lala­wigan na ma­ipanalo dito si Teodoro. (Rudy Andal)

ANTIPOLO CITY

CASIMIRO YNAREZ JR.

EDU MANZANO

LEAGUE OF MUNICIPALITIES

LITO LAPID

RAMON GUICO

RAUL LAMBINO

SHY

TEODORO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with