^

Bansa

Miyembro ng Gabinete na tatakbo, pinagbibitiw

-

MANILA, Philippines - Dapat magbitiw na sa kanilang posisyon sa Gabinete ang mga opisyal na tiyak na tatakbo sa mga lokal na posisyon.

Ayon kay Senator Francis “Chiz” Escudero, hanggang ngayon ay nasa Gabinete pa rin ang mga nagbabalak na tumakbong kongresista at alkalde dahil pinanghahawakan nila ang ruling ng Korte Suprema na maari pa silang manatili sa pwesto hanggang hindi pa umpisa ng opisyal na kampanya para sa lokal na eleksiyon.

Pero ayon kay Escudero, kung may delicadeza ang mga ito ay dapat na magbitiw na sila sa posisyon at huwag nang hintayin ang kampanyahan para sa lokal na posisyon.

Naniniwala si Escudero na hindi na makapagtatrabaho ng husto ang mga miyembro ng Gabinete kapag abala sa kanilang kandidatura.

Maari din umanong magamit ng cabinet member ang kaniyang pwesto para malamangan ang kaniyang karibal sa local position na tatakbuhan.

Kabilang sa mga sinasabing tatakbo sa lokal na eleksiyon sina Sec. Eduardo Ermita bilang congressman ng Batangas at Justice Secretary Agnes Devanadera na nag-aambisyong maging congresswoman ng isang distrito sa Quezon Province,

Balak din tumakbo nina Presidential Legal Adviser Raul Gonzalez na tatakbong congressman ng Iloilo, Energy Secretary Angelo Reyes bilang Mayor ng Taguig,at Deputy National Security Adviser Chavit Singson na posibleng tumakbong mayor o congressman ng Ilocos. (Malou Escudero)

DEPUTY NATIONAL SECURITY ADVISER CHAVIT SINGSON

EDUARDO ERMITA

ENERGY SECRETARY ANGELO REYES

GABINETE

JUSTICE SECRETARY AGNES DEVANADERA

KORTE SUPREMA

MALOU ESCUDERO

PRESIDENTIAL LEGAL ADVISER RAUL GONZALEZ

QUEZON PROVINCE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with