^

Bansa

Breast cancer no.1 sakit sa MM, Rizal

-

MANILA, Philippines - Nababahala ang Department of Health (DOH) at Philippine Cancer Society, Inc. (PCSI) sa paglobo ng bilang ng “breast cancer victim” sa Metro Manila at Rizal at nalagpasan na ang lung cancer.

Ayon kay Health Secretary Esperanza Cabral at PCSI Chairman Dr. Roberto Paterno, dapat paigtingin ang prevention at detection ng naturang sakit sa mga kababaihan.

Sinabi pa ni Paterno na nagbibigay ng libreng mammogram at fine needle aspiration biopsy ang PCSI sa mga mahihirap na nais malaman kung may taglay na cancer. Inamin pa rin ni Paterno na wala pang epektibong detection method para maagapan ang lung cancer kung saan natutukoy lang kung malala na ang sakit kaya mas makabubu­ting umiwas sa paninigarilyo na kadalasang nagiging sanhi ng lung cancer.

Kabilang sa top 10 cancer sa mga lalaki at babae ang breast cancer, lung, liver, cervix, colon, thyroid, rectum, ovary, prostate at non-Hodgkin Lymphoma.

Para naman sa mga kalalakihan lamang, ang five common cancer sites ay lung, liver, prostate, colon at rectum.

Naitala ang pag-aaral noong 1998-2002 at kinumpirma naman ito ng International Agency for Research on Cancer.

Ang libreng konsultas­yon ng PCSI ay tuwing Lunes-Miyerkules mula alas 8-10 ng umaga sa #310 San Rafael St., San Miguel, Manila o kaya’y mag-log-on para sa ilang impormasyon sa www.philcancer.org. (Doris Franche/Ludy Bermudo)

CANCER

DEPARTMENT OF HEALTH

DORIS FRANCHE

DR. ROBERTO PATERNO

HEALTH SECRETARY ESPERANZA CABRAL

HODGKIN LYMPHOMA

INTERNATIONAL AGENCY

LUDY BERMUDO

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with