'Pandak' puwede na sa AFP
MANILA, Philippines - Labis na ikatutuwa ng mga “pandak” ang pagpayag ng Armed Forces of the Philippines na maging sundalo ang mga ito basta may galing at talino.
Ayon kay Brig. Gen. Diego Cruz, Chief ng AFP Civil Relations Service, ibinaba sa 5 talampakan ang “height requirements” para sa mga nais maging sundalo mula sa dating 5’2 taas sa babae at 5’4 sa mga lalaki.
Sa taong ito ay tatanggap ang AFP ng 8,344 at ang mga ito ay kinabibilangan ng 4,424 mula sa Philippine Army; 1,754 sa Philippine Air Force (PAF) at 2,720 sa Philippine Navy.
Hindi lang aniya sa pakikidigma mapapakinabangan ang mga sundalong pandak kundi maging sa trabahong administratibo.
“Hindi naman kailangan na maging matangkad para maging sharp shooter o asintado ang isang sundalo,” ani Cruz. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending