'Tax evaders tugisin'- Gibo
MANILA, Philippines - Hinikayat ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert Teodoro Jr. ang gobyerno na maging agresibo sa paghabol sa mga tax evaders at smugglers para na rin sa pagpapatupad ng Expanded Senior Citizen Act.
Ayon kay Teodoro, umaabot sa P200 bilyon ang nawawala sa gobyerno dahil sa smuggling at di pagbabayad ng tamang buwis kaya malaking tulong ito sa pamahalaan kung mahahabol ang mga ito.
Kasabay nito, nanawagan din si Teodoro kay Pangulong Gloria Arroyo na lagdaan na ang Expanded Senior Citizens Act para madagdagan na ang benepisyo ng mga matatanda dahil sa ilalim nito, hindi na magbabayad ng E-Vat ang mga senior citizens, meron silang P1,500 monthly stipend; 20% discount sa pagbili ng gamot, pagpapaospital, pamasahe at pagbibigay ng P2,000 death assistance.
Dahil dito, kinakailangan aniyang habulin ang mga tax evaders at smugglers para madagdagan ang nakokolektang buwis ng gobyerno at maibigay ito sa mga senior citizens. (Rudy Andal)
- Latest
- Trending


















