5 Pinoy pa mula Haiti dumating

MANILA, Philippines - Limang Pinoy survivors pa mula sa Haiti ang duma­ting na sa bansa kahapon ng madaling-araw.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, sina Victor Torrizo at ang mga anak na sina Allen Vincent, 6; at Viccina, 10; Badette Villagracia at ang 1-taong gulang na anak na si Art Raymond Villagracia ay dumating sa bansa sakay ng Philippine Airlines flight PR-103 dakong alas-5:55 ng madaling-araw.

Nabatid na18 Pinoy ang inaasahang uuwi sa bansa ngunit hindi ito natuloy ng magkaroon ng problema sa booking ng ticket sa eroplano. Ang lima ang ikalawang batch ng 70-Pinoy na nakaligtas habang ang unang batch ay umuwi noong Biyernes at binubuo lang ng anim na katao.

Isasailalim naman sa psycho-social assistance at debriefing ang mga umuwing Pinoy mula sa Haiti upang malabanan ang traumang idinulot ng lindol sa kanila. (Ellen Fernando)

Show comments