MANILA, Philippines - Detalyadong masusukat na ngayon ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services ang dami ng tubig-ulan kahit pa sinlakas ito ng bagyong Ondoy.
Ayon kay PAG-ASA Director Prisco Nilo, limang Doppler radar ang gagamitin nito upang masukat ang dami ng tubig-ulan na babagsak sa lupa para agad na mabigyan ng babala ang publiko.
Aniya, ilalagay ang limang radar sa Subic, Tagaytay, Bicol, Visayas at Mindanao, para agad na maabisuhan ang taumbayan sa mga dapat gawin sa oras na may malakas na bagyong tatama sa bansa at may dalang maraming tubig-ulan na magiging sanhi ng pagbaha at landslides.
Ang naturang radar ay umaabot sa P90 milyon bawa isa. Dahil sa kawalan noon ng radar, hindi nasukat ang dami ng tubig-ulan na dala ng bagyong tulad ni Ondoy kaya madami ang nasawi at napinsalang ari-arian sa bansa, partikular na sa Metro Manila. (Angie dela Cruz)