^

Bansa

Ika-2 disqualification vs PGMA, ibinasura

-

MANILA, Philippines - Tuluyan na ring ibina­sura ng Commission on Elections (Comelec) Second Division ang ikala­wang disqualification case laban kay Pangulong Arroyo na isinampa ni Akba­yan Rep. Riza Hontiveros.

Sa petisyon ni Honti­veros, nais nitong tutulan ang pagtakbo ni Arroyo sa pagka-kongresista ng ikalawang distrito ng Pam­panga.

Ayon kay Comelec Se­cond Division Presiding Commissioner Nicodemo Ferrer, kulang sa merito ang nasabing kaso na isinampa ni Hontiveros.

Aniya, hindi naman tumatakbo ang petitioner sa kaparehong posisyon na target ni Arroyo kaya’t wala silang nakikitang valid grounds para magprotesta ang petitioner.

Dismayado naman si Hontiveros sa kinahinat­nan ng kaso kaya balak niya itong iakyat sa Ka­taas-taasang Hukuman.

Kamakailan ay ibina­sura din ng Comelec ang pe­tisyon ni Atty. Elly Pa­ma­tong na sumentro sa artikulo ng Konstitusyon na hindi na maaaring muling tumakbo ang isang pre­sidente ng bansa. (Doris Franche)

COMELEC

COMELEC SE

DIVISION PRESIDING COMMISSIONER NICODEMO FERRER

DORIS FRANCHE

ELLY PA

HONTIVEROS

PANGULONG ARROYO

RIZA HONTIVEROS

SECOND DIVISION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with