MANILA, Philippines - Inilunsad ng pamunuan ng National Economic Protectionism Association ang kanilang Ten Point Economic Agenda para sa bagong dekada.
Ito ay bilang tugon sa tumataas at iba’t ibang hamon sa ekonomiya o problema sa pagnenegosyo at pangkabuhayan.
Sa isang pagpupulong na dinaluhan ng may 50 negosyante, muling bumalangkas ang NEPA ng mga panuntunan o “economic principles” na aayon sa kanilang adbokasya.
Kabilang sina dating Budget Secretary Salvador Enriquez, kilalang economist at negosyante; Dr. Jorge Sibal ng UP School of Labor and Industrial Relations at Jun Mendoza, pangulo ng Korphil na nagpresenta ng mga dokumento para sa pagbuo ng isang Economic Covenant.
Inihayag naman sa media ni Bayan De la Cruz, bagong NEPA President, ang nilalaman ng naturang Covenant. Pangunahing binigyan ng pansin sa Economic Covenant ang hinggil sa self-reliance sa produksyon, distribution at consumption petterns ng bansa.