^

Bansa

Kontrata ng Stradcom pinabubusisi

-

MANILA, Philippines - Pinabubusisi ng transport group na Pinagka­isang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide kung bakit na­patagal pa ng hanggang 2013 ang kontrata sa Land Transportation Office ng IT company na Stradcom Corporation gayong sa orihinal na kontrata ay 2010 ay tapos na dapat ito.

Ayon kay Goerge San Mateo, secretary general ng Piston, patuloy pa rin ang pag-bogged down ng mga computers ng Strad­com na may hawak ng com­puteri­zation program ng LTO at hindi pa fully computerized ang lahat ng LTO offices nationwide gayung lampas 10 taon na itong nagse­ serbisyo sa naturang ahen­siya at nakalikom na ito ng bilyon-bilyong piso sa pamama­gitan ng pagsingil ng uma­abot sa P169 kada transaksyon.

Bukod pa anya ito sa pinasok ng Stradcom na Radio Frequency Identification Device (RFID) pro­ject na ‘di umano dumaan sa bidding.

Sa planong RFID ng Stradcom, bagamat sina­sabi nitong sa Oktubre 2010 pa darating ang reader ng date base para sa RFID, naipatupad na agad ito noong Enero 4,2010. 

Nangangamba ang Piston na kung magpapa­tuloy ang Stradcom na magser­bisyo pa sa LTO, maaaring magdulot lamang ito ng hindi mahusay na serbisyo sa taumbayan sa kabila ng patuloy na pagbabayad sa LTO ng mga motorista para sa serbisyo sa rehistro ng mga sasakyan at pagkuha ng drivers license. (Butch Quejada)

vuukle comment

AYON

BUKOD

BUTCH QUEJADA

GOERGE SAN MATEO

LAND TRANSPORTATION OFFICE

OPERATORS NATIONWIDE

RADIO FREQUENCY IDENTIFICATION DEVICE

SHY

STRADCOM

STRADCOM CORPORATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with