^

Bansa

12% VAT sa toll fees haharangin

-

MANILA, Philippines - Haharangin ng National Council Commuters for Protection ang naka­takdang pagpapataw ng panibagong 12% value added tax sa lahat ng toll fees sa bansa.

Ayon kay Atty. Vic Millora, chairman at legal counsel ng NCCP, handa silang harangin sa Toll Regulatory Board ang pagdadagdag ng toll fees sa lahat ng expressway sa bansa gaya ng North Luzon Expressway, South Luzon Expressway, Coastal at Star Expressway.

Aniya, handa na ang petition at motion na isasampa nila sa TRB o sa isang regular court para mahadlangan ang panibagong buwis na nais idagdag ng Bureau of Internal Revenue na tiyak na magpapabigat sa bulsa ng mga motorista.

Samantala, sinabi naman nina Liga ng Transpor­tasyon at Operator sa Pili­pinas President Orlando Marquez at Engr. Homer Mercado ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines, wala silang magagawa kundi ipasa sa mga pasahero ang 12% VAT.

Unang sinabi ng BIR na dapat ay noong 2007 pa naipatupad ang batas na ito, at ito ay matagal ng naantala kaya wala na silang magagawa kundi ipatupad ang 12% additional VAT sa toll fees sa lahat ng mga expressway. (Joy Cantos)

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

HOMER MERCADO

JOY CANTOS

NATIONAL COUNCIL COMMUTERS

NORTH LUZON EXPRESSWAY

PRESIDENT ORLANDO MARQUEZ

PROVINCIAL BUS OPERATORS ASSOCIATION OF THE PHILIPPINES

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

STAR EXPRESSWAY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with