Piston hinamon ang 1-Utak sa RFID
MANILA, Philippines - Hinamon ng transport group na PISTON ang grupong 1 Utak na sila na lamang ang magbayad kung nais nilang ipatupad ang Radio Frequency Identification (RFID) device sa mga irerehistrong sasakyan sa buong bansa.
Ayon kay Goerge San Mateo, secretary general ng PISTON na may 250,000 strong member nationwide, kung nais ng 1 Utak na ipatupad ang RFID ay sila na lamang ang boluntaryong magbayad para dito.
Binigyang diin ni San Mateo na hindi lamang naman ang 1 Utak members ang lalagyan ng RFID tag kung maipatutupad ito dahil kabilang dito ang lahat ng sasakyan mula sa sektor ng negosyo, pribado, kanilang grupo at NGOs na patuloy na tumututol sa implementasyon nito dahil ito ay illegal, walang bidding at money-making lamang bukod sa dagdag gastusin lamang ng taumbayan sa panahon na mahirap ang kabuhayan ngayon. (Butch Quejada/Angie dela Cruz)
- Latest
- Trending