Citihood ng 16 bayan rerebisahin ng SC

MANILA, Philippines - Sisimulan na ng Korte Suprema na rebisahin ang kontrobersiyal na desisyon nito na nagpapahintulot na maging siyudad ang 16 na bayan matapos kuwesti­yunin ng League of Cities of the Philippines (LCP) ang legalidad ng naturang desisyon.

Ayon kay SC Spokesperson Atty. Midas Mar­quez, sampung-araw lang ang ibinigay sa mga al­kalde ng 16 bayan para magsumite ng komento sa mosyon ng LCP.

Sa deliberasyon ng SC, nagdesisyon ito na aksiyunan ang motion na kumukuwestiyon sa natu­rang desisyon na ipinala­bas noong December 21 na nagdedeklarang legal ang pagiging siyudad ng 16 na bayan.

Una ng nagpalabas ng desisyon ang SC noong Nobyembre 18, 2008 at idineklarang unconstitutional ang batas para ma­ging siyudad ang naturang mga bayan ngunit ito ay binaliktad sa desisyon noong December 21. (Gemma Garcia)

Show comments