^

Bansa

100-libo patay sa Haiti

- Nina Ellen Fernando, Mer Layson at Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinangangambahang mahigit 100,000 katao ang namatay sa Haiti matapos na matabunan ng gu­mu­hong mga kabaha­yan, ospital at hotels dahil sa lakas ng lindol dito.

Ang 7.3 magnitude na lindol ay nagpabagsak sa halos lahat ng establi­siyemento sa sentro ng Port-au-Prince na siyang pinaka-nasalanta at pina­niniwalaang 50,000-katao ang tiyak ng patay dito.

Sinabi ni Haiti Prime Mi­nister Jean-Max Belle­rive, literal na nasalanta ang nasabing bansa kung saan maging ang kanilang Palasyo ay hindi sinanto ng lindol kaya dumagsa na rin dito ang mga tulong mula sa iba’t-ibang bansa.

Patuloy naman kinu­kumpirma ang pagka­matay ng hepe ng UN mission to Haiti na si Hedi Annabi ng matabunan ng gumuhong UN headquarters kasama ang 104 miyembro nito kung saan posibleng patay na ang 14 dito at 150 pa rin ang na­wa­wala. 

Sinabi naman ni First Lady Elisabeth Preval na saan mang sulok ng na­ turang lugar ay maririnig ang daing, pagma­maka­awa at pag-iyak ng mga tao na nasa ilalim ng mga natabunang gusali at nag­kalat ang mga duguang katawan ng biktima. Hindi pa rin narerekober ang 200 turista na naka-check-in sa mga hotels dito

Nangako naman si US President Barrack Obama na magpapadala ng tulong para sa search and rescue operations gaya ng mga barko, eroplano at iba pang kagamitan upang makapagsalba ng buhay. Magbibigay naman ang World Bank ng karagda­gang $100 milyong emergency aid para agad na makabangon ang Haiti.

3 Pinoy missing

Samantala, sinabi ng Department of Foreign Affairs na ligtas na si Army Corporal David Catacutan ng makulong sa loob ng Montana Hotel at ngayon ay ginagamot ang mga sugat habang patuloy na pinaghahanap ang tatlo pang miyembro ng Armed Forces of the Philippines na sina Army Sgt. Eustacio Bermudez Jr., Air Force Sgt. Janice Arocena at Navy Petty Officer 3 Pa­nagui Pearlie na na-trap mula sa gumuhong UN Stabilization Mission headquarters sa ikalawang palapag ng Christopher Hotel dito matapos na mag-overtime sa kanilang trabaho at dito na abutan ng malakas na lindol.

Kinumpirma din ng DFA na ligtas na ang 172 mga miyembro ng Philippine contigent sa Haiti. Binubuo ng 155 sundalo, 2 millitary observer at 15 miyembro ng PNP ang Philippine contingent.

AIR FORCE SGT

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ARMY CORPORAL DAVID CATACUTAN

ARMY SGT

CHRISTOPHER HOTEL

DEPARTMENT OF FOREIGN AFFAIRS

DITO

EUSTACIO BERMUDEZ JR.

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with