^

Bansa

Erap muling nakatapak ng Malacañang

- Ni Rudy Andal -

MANILA, Philippines - Muling nakatapak ng Malacañang si dating pangulong Joseph Es­trada matapos ang siyam na taon mula ng patalsikin noong 2001 sa pama­magitan ng EDSA 2.

Sina Estrada at dating pangulong Fidel Ramos ay inimbitahan ni pangu­long Gloria Arroyo na dumalo sa National Security Council (NSC) meeting sa Pa­lasyo, ngu­nit hindi duma­ting si Ramos.

Nagalak si Estrada ng siya ay imbitahan ni Arroyo sa naturang pagtiti­pon at sinabing umaasa siya na makakatulong sa pagha­hanap ng solusyon sa suliranin ng bansa lalo na sa peace and order.

Umaasa din si Es­trada na magiging mata­gumpay ang unang automated election, kasabay ng pag­sasabing nais niyang bu­malik sa Mala­cañang kung ito ay kan­yang “destiny”.

Magkatabi sina Pa­ngu­long Arroyo at Erap sa naturang meeting at nag­karoon pa nga ng “light moment” ang dalawang lider habang ginaganap ang pagpupulong.

Tumatakbo muli si Erap na pangulo sa dara­ting na May 2010 elections sa ilalim ng Pwersa ng Masang Pilipino.

Samantala, sinabi naman ni Press Secretary Cerge Remonde na nag­kaisa ang lahat sa natu­rang meeting na magka­roon ng maayos na re­sulta ng 2010 elections kaya inatasan din ni Pa­ngulong Arroyo sina Interior and Local Government Secretary Ronaldo Puno at Defense Secretary Norberto Gonzales na hadlangan ang New People’s Army sa panghi­hingi ng permit to campaign fee sa mga kandi­dato na umaabot ng P500,000. 

DEFENSE SECRETARY NORBERTO GONZALES

ERAP

FIDEL RAMOS

GLORIA ARROYO

JOSEPH ES

MASANG PILIPINO

NATIONAL SECURITY COUNCIL

NEW PEOPLE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with