MANILA, Philippines - Isang Pilipinong ginawang drug courier ang sinentensyahan ng Dubai court ng 10 taong pagkabilanggo dahil sa pagpupuslit ng cocaine sa United Arab Emirates ng nakalipas na taon.
Sa report ng Khaleej Times, bukod sa pagkabilanggo ay inatasan din ni Judge Hamad Abduljawad ng Dubai Criminal Court of First Instance ang akusadong Pilipino, 27-anyos, na pansamantalang itinago ang pangalan, na magbayad ng halagang Dh50,000 o P622,742 bilang multa o danyos.
Base sa rekord ng korte, ang nasabing Pilipino ay inaresto matapos na makuhanan ng 99 kapsula ng cocaine na inilagay ang 37 piraso sa tiyan nito na tumitimbang ng 1.25 kilogramo makaraang lumapag sa Dubai International Airport noong April 18, 2009. (Ellen Fernando)