Motorcycle makers tutol sa RFID

MANILA, Philippines - Nagpahayag na rin ng kanilang pagtutol ang motorcycle makers at assemblers laban sa hak­bang ng Land Transportation Office na ma­ipatuapd ang mandatory radio frequency identification device   na ilala­gay sa lahat ng mga sasak­yan sa buong bansa.

Sinabi ng mga opis­yal ng Motorcycle Development Program Participants Association na ang naipatupad na RFID program ni LTO Chief Arturo Lomibao ay dagdag gastusin la­mang at pag- aaksaya lamang ng pera.

Sa kanilang   position paper na sinumite kay Lo­­­mi­bao noong Nob­yem­­­bre 2, idiniin ng MDPPA ang anila’y ka­ku­langan sa   RFID testing tags na ilalagay ng Stradcom sa mga sasak­yan. Ang Stradcom ang computerization contractor ng LTO.  (Butch Quejada)

Show comments