Motorcycle makers tutol sa RFID
MANILA, Philippines - Nagpahayag na rin ng kanilang pagtutol ang motorcycle makers at assemblers laban sa hakbang ng Land Transportation Office na maipatuapd ang mandatory radio frequency identification device na ilalagay sa lahat ng mga sasakyan sa buong bansa.
Sinabi ng mga opisyal ng Motorcycle Development Program Participants Association na ang naipatupad na RFID program ni LTO Chief Arturo Lomibao ay dagdag gastusin lamang at pag- aaksaya lamang ng pera.
Sa kanilang position paper na sinumite kay Lomibao noong Nobyembre 2, idiniin ng MDPPA ang anila’y kakulangan sa RFID testing tags na ilalagay ng Stradcom sa mga sasakyan. Ang Stradcom ang computerization contractor ng LTO. (Butch Quejada)
- Latest
- Trending