MANILA, Philippines - Itinalaga kahapon ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo si Department of Social Welare and Development Secretary Esperanza Cabral bilang bagong kalihim ng Department of Health.
Ayon kay Executive Secretary Eduardo Ermita, itinalaga ni Pangulong Arroyo si Cabral bilang DOH kapalit ni Secretary Francisco Duque III na itinalaga naman bilang bagong Civil Service Commission chairman.
Sinabi ni Ermita na ang magiging bagong kalihim ng DSWD ay si Undersecretary Celia Yangco.
Nilinaw din ni Ermita na si Secretary Agnes Devanadera ay siya na ngayong kalihim ng Department of Justice at hindi na acting secretary nito. (Rudy Andal)