MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni Lakas-Kampi-CMD standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. sa mga estudyante ng Technological University of the Philippines (TUP) na hindi siya magiging ‘tuta’ ninuman kasabay ang paninigurong isusulong ang para sa kabutihan ng bansa sa sandaling manalo sa darating na May 2010 presidential race.
Sinabi ni dating Defense Secretary Teodoro sa mga estudyante ng TUP-Manila na walang puwedeng magdikta sa kanya dahil siya ang nagdedesisyon para sa kanya at hindi sinuman.
“If I am a puppet then I would not bother to run for president, as being a puppet is certainly much easier than being a president,” giit pa ni Gibo sa kanyang campus visit sa TUP.
Aniya, ang pagiging pangulo ay hindi madaling trabaho bagkus ay kaakibat ang mabigat na responsibilidad na dapat ay pairalin ang independent judgment para walang utang na loob kaninuman. (Rudy Andal)