P100-milyong hot goods natunton
MANILA, Philippines - Natunton ng mga tauhan ng Presidential Anti-Smuggling Group ang isang compound sa Balintawak, Quezon City na ginagamit na imbakan ng mga puslit na produktong nagkaka halaga ng P100 milyon.
Gayunman, hindi nakumpiska ng PASG ang sinasabing ibat-ibang uri ng smuggled material dahil tumutol umano ang magkakapatid na George, Joseph at Reynaldo Lim na siyang may-ari ng compound at ang broker na nagpakilalang Tina Yu na sinasabing may malakas ding koneksiyon sa isang congressman at anak ng isang mataas na opisyal ng pamahalaan.
Hindi umano iginalang nina Lim at Yu ang mission order ng PASG operatives mula kay Undersecretary Antonio “Bebot” Villar Jr. kaya hindi napasok ang compound ng Glowide Corp. sa 28th North Diversion Road, Balintawak, Quezon City.
Kabilang sa hinihinalang smuggled goods sa bodge ang imported garments, auto spare parts, elec tronic products, textiles, pumps imp, onions at veterinary products. (Mer Layson)
- Latest
- Trending