2 commando ng Navy pinarangalan
MANILA, Philippines - Pinarangalan nitong Biyernes ng Philippine Navy ang labi ng dalawang bayaning commandos na nagbuwis ng buhay sa pakikipag-engkuwentro sa nagsanib-puwersang mga bandidong Abu Sayyaf at rogue Moro Islamic Liberation Front sa Basilan kamakailan.
Ayon kay Navy Spokesman Marine Lt. Col. Edgard Arevalo, ang bangkay nina Lt. Christopher Pantaleon ng Philippine Military Academy (PMA Class 2004) at Petty Officer 3rd Class Almario Manalili ay dumating dakong alas-2:00 ng hapon kamakalawa sa Villamor Air Base sa Pa say City galing sa Zamboanga City.
Pinangunahan naman ni Navy Flag Officer-in-Command Vice Admiral Ferdinand Golez ang pagkakaloob ng ceremonial honors sa dalawang bayaning Navy commandos na ginanap sa Naval Station Rudiarto Brown sa Naval Station Jose Francisco sa Taguig City kahapon ng umaga.
Naka-half mast naman ang lahat ng Naval Stations sa buong bansa bilang pagluluksa sa pagpanaw ng dalawang Navy commandos. (Joy Cantos)
- Latest
- Trending