^

Bansa

Enrile, Bello at Marcos inindorso ng N. Alliance

-

MANILA, Philippines - Inindorso ng Northern Alliance ang tatlong senato­ riables para sa nalalapit na 2010 national elections.

Kabilang sa inindorso ng nasabing grupo sa pangunguna ng chairman nito na si Ilocos Cong. Eric Singson ay sina Senate Pres. Juan Ponce Enrile, former Justice Secretary Be­bot Bello at Cong. Bong­bong Marcos.

Ang Northern Alliance ay binubuo ng mga kongre­sista, kababaihan na mula sa regions 1, 2 at Cordillera Administrative Region (CAR) na kung saan isina­santabi ang anumang political party affiliation.

Sa tatlong rehiyon pa lamang umaabot na sa 5.2 milyon ang voting population nito.

Naniniwala ang grupo na sina Enrile, Bello at Marcos, hindi lamang sa northern Luzon tunay na maipagmamalaki kundi sa buong bansa dahilan sa taglay nilang kwalipikasyon at accomplishment

Si Bello na kabilang sa Free Legal Assistance Group (FLAG) lawyer ay nagbibigay ng libreng legal services para sa mga bik­tima ng injustice at human rights violation.

Si Bello din ay naging mi­yembro ng GRP na naki­pagnegosasyon at lumag­da sa kauna-unahang peace agreement sa CPP/NPA/NDF at isinaayos ang pagpapalaya ng mga sun­dalo na binihag ng NPA

Si Bello ay mula sa Isa­bela, Ilocos at Davao. (Butch Quejada)

ANG NORTHERN ALLIANCE

BUTCH QUEJADA

CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION

ERIC SINGSON

FREE LEGAL ASSISTANCE GROUP

ILOCOS CONG

JUAN PONCE ENRILE

JUSTICE SECRETARY BE

NORTHERN ALLIANCE

SHY

SI BELLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with