Pinay kinatay sa Vienna
MANILA, Philippines - Isang Pinay ang natagpuang patay sa loob ng bahay ng kanyang among Lebanese ambassador sa Vienna, Austria kamakalawa.
Kinilala ni Ed Malaya, tagapagsalita ng Department of Foreign Affairs, ang biktimang si Romalyn L. Basalo, 30-anyos, na natagpuang tadtad ng saksak sa loob ng bahay ni Lebanese Ambassador to Vienna Ishaya El-Khoury na matatagpuan sa Gymnasium St. 59 sa 18th District ng Vienna.
Nabatid na wala ang nasabing ambassador at nagbabakasyon sa Beirut kasama ang pamilya nito nang maganap ang insidente.
Sa report ng Embahada, tanging ang biktima at kasamahang cook na isa ring Pinoy ang naiwan sa bahay para magbantay habang wala ang mga amo.
Ayon sa Lebanese Foreign Ministry, dahil sa insidente kinailangang putulin ni El-Khoury ang kanyang mahaba sanang bakasyon.
Nangako naman ang Viennese police na magbibigay agad sila ng kaganapan sa embahada hinggil sa isinasagawa nilang pagsisiyasat upang matukoy ang responsable sa pagpatay sa naturang Pinay.
Personal na ring nagtungo sa Vienna Police station ang Charge d’ Affaires ng Embahada ng Pilipinas para imonitor ang kaganapan sa kaso.
Ayon sa DFA, naipagbigay-alam na nila sa pamilya ng naturang OFW ang sinapit nito sa Vienna.
“The husband of the deceased, who is based in Dubai, has been notified about the incident and is expected to arrive in Vienna today,” ani Malaya.
Hindi naman kinokosindera na ang pagpatay sa nasabing Pinay ay may kaugnayan sa pag-atake sa naturang Lebanese ambassador kundi tinitingnan ang posibilidad na ito ay sanhi ng personal na usapin.
- Latest
- Trending