^

Bansa

Mga pasaherong na-trap sa M/V Catalyn 'di pa maiaahon

-

MANILA, Philippines - Hindi pa batid ng Phi­lippine Coast Guard (PCG) kung kailan nila tuluyang maiaahon ang mga pasahero na na-trap mula sa MV Catalyn B na matatandaang lumubog noong bisperas ng Pasko sa Limbones Island sa Cavite.

Ayon kay PCG Commandant Admiral Wilfredo Tamayo, hindi pa sila makapagbigay ng eksak­tong petsa hinggil sa retrieval operation ngunit tiniyak isasagawa nila agad ito sa lalong ma­daling panahon.

Nabatid na bagamat 24 na pasahero pa ang nawawala ay 12 bangkay lamang, kabilang ang dalawang bata, ang na­kita ng mga Coast Guard Auxiliary divers, na lu­mulutang sa loob ng lumubog na ferry, may 221 talampakan ang lalim sa karagatan.

Tiniyak naman umano ng mga divers, sa pa­ngunguna ni Matthew Caldwell na muli silang sisisid sa karagatan at pipiliting iahon ang mga nakitang bangkay, na siyang prayoridad umano ngayon ng PCG.

Sa oras na maiahon ang mga bangkay ay saka umano paplanuhin ng PCG ang pagkalap ng mga ebidensiya mula sa lumubog na barko, o di kaya’y iaahon mismo ang buong barko, sa tulong ng pribadong kumpanya.

Sa kasalukuyan, na­nanatili aniya sa tatlo ang bilang ng mga nasawi sa trahedya, 46 ang na-rescue at 24 pa rin ang na­wawala. (Mer Layson)

AYON

CATALYN B

COAST GUARD

COAST GUARD AUXILIARY

COMMANDANT ADMIRAL WILFREDO TAMAYO

LIMBONES ISLAND

MATTHEW CALDWELL

MER LAYSON

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with