Paputok okay lang sa parak

MANILA, Philippines - Papayagan ng Philippine National Police ang mga opisyal at tauhan nito na magpa­putok ng mga reben­tador sa pag­salu­bong sa Bagong Taon.

Ito ang inihayag ka­hapon ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa bilang reak­syon sa memorandum ng Department of Health na nagbabawal sa lahat ng mga em­pleyado nito at mga health workers na mag­paputok ng re­ben­tador at iba pang uri ng mga paputok sa pagsalu­bong sa pagpa­palit ng taon sa Disyem­bre 31 ng hatinggabi.

Ikinatwiran ni Ver­zosa na gaya ng mga ordinar­yong mamama­yan ay may karapatan rin ang mga pulis na ma­ram­daman ang ka­si­yahan sa nakaga­wiang tradisyon sa pag­salu­bong sa Ba­gong Taon. Gayun­man, nilinaw naman ni Verzosa na walang masama kung magpaputok rin ng mga rebentador ang mga pulis basta ilagay la­mang ito sa lugar tulad ng mga itinalagang ‘fire cracker zone area’ at huwag ga­gamit ng mga ipinag­babawal na pa­putok.

Gayundin, kaila­ngang isagawa ang mga ‘safety measures’ upang tiyakin na wa­lang madidisgras­yang mga sibilyan.

Idiniin pa ni Vezosa na nanatiling bawal ang pagpapaputok ng baril ng mga pulis sa pag­salu­bong sa Bagong Taon. (Joy Cantos)

Show comments