Modern air, sea defense isusulong ni Gibo

BAGUIO CITY , Philippines —Isusulong ni Lakas-standard bearer Gilbert “Gibo” Teodoro Jr. ang pagpapalakas sa kapabilidad ng tatlong unit ng Armed Forces of the Philippines bilang bahagi ng modernisasyon ng air at sea defense system ng bansa para protektahan ang seguridad nito.

Ayon kay dating Defense Secretary Teodoro, dapat lamang palakasin at magkaroon ng mo­ dernong kagamitan ang militar tulad ng mga kalapit nating bansa upang mapalakas ang ating air at sea defense.

Aniya, kailangan ng mga modernong patrol boats at fighter planes para mapalakas ang air at sea defense system ng bansa.

Sinabi niya na hihimukin niya ang Kongreso na dagdagan ang budget ng AFP para sa modernisasyon nito upang mapalitan naman ang mga World War II-era na patrol boats at helicopters gayundin ang mga fighter plane.

Pinuna niya na tanging ang Pilipinas sa Southeast Asia ang walang fighter aircraft force matapos ‘magretiro’ ang F-5 noong 2005. (Rudy Andal)

Show comments