^

Bansa

Aktibidad ng bulkang Mayon mas tumaas

-

MANILA, Philippines - Mas tumaas pa ang aktibidad ng bulkang Mayon sa Albay kumpara sa mga nakalipas na araw matapos na magtala ito ng 44 na volcanic quakes at mga mahinang pagsabog sa loob ng 24 oras.

Dahil na rin sa mga nagbabagang lava na umagos mula sa bulkan, nasunog ang ilang pananim sa paanan nito kung saan nagtala rin ito ng 137 pagyanig dahil sa paggulong ng mga bato mula sa natitibag na lava fragments ng bulkan.

Pangunahing lugar na dinaluyan ng mainit na lava ang bangin malapit sa Bonga-Buyuan, Miisi at Lindong.

Umabot naman sa 4,329 tonelada kada araw ang sukat ng sulfur dioxide na inilalabas ng bulkan mas mataas nitong nakalipas na araw na may 2,304 tonelada lamang.

Ayon kay Phivolcs Director Renato Solidum, nananatili pa rin ang alert level 4 sa alarma ng bulkang Mayon bunga ng pamamaga nito. (Ricky Tulipat)

ALBAY

AYON

BONGA-BUYUAN

DAHIL

LINDONG

MAYON

MIISI

PANGUNAHING

PHIVOLCS DIRECTOR RENATO SOLIDUM

RICKY TULIPAT

UMABOT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with