MANILA, Philippines - May 144 overseas Filipino workers na napiit sa Lebanon ang tuluyan nang nakalaya at makakapiling na ang kani-kanilang mahal sa buhay ngayong bago mag-Bagong Taon.
Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs sa isang pulong balitaan na makakauwi na ngayong Lunes at bukas mula sa dalawang batch ang 144 manggagawang Pilipino matapos ang malakas na representasyon ng pamahalaan sa pamahalaang Lebanese.
Ayon kay Foreign Affairs Undersecretary for Migrant Workers Affair Esteban Conejos Jr., umaabot sa halagang US$118,000 ang binayaran ng DFA para sa deployment cost, immigration fees at iba pang multa para sa pagpapauwi ng mahigit daang OFWs. (Ellen Fernando)