BAGUIO CITY , Philippines — Sa huling pagkakataon bilang Punong Ehekutibo, magdiriwang ng Christmas holiday si Pangulong Gloria Arroyo sa The Mansion sa lungsod na ito.
Ayon kay Press Secretary Cerge Remonde, ang huling Cabinet meeting ni Pangulong Arroyo sa taong ito ay gaganapin din sa lungsod na ito sa Martes.
Mula sa kanyang pagdiriwang ng Kapaskuhan sa Lubao, Pampanga kasama ang kanyang mga Cabalen ay nagtungo si Pangulong Arroyo sa Pines City.
Bukod sa gaganapin ni Mrs. Arroyo ang cabinet meeting sa The Mansion sa Martes ay ipagdiriwang din niya ang paggunita sa kamatayan ni Gat. Jose Rizal sa Rizal monument sa Vigan, Ilocos Sur.
Iginiit pa ni Remonde, patuloy pa ring minomonitor ni Pangulong Arroyo ang kalagayan ng mga residente sa Albay particular ang mga nasa evacuation center dahil sa bantang pagsabog ng Mayon volcano. (Rudy Andal)