MANILA, Philippines - Wagi sa mga taga-Quezon City kasama na ang mga opisyales ng may 142 barangay sa lungsod dahil sa mga programang naipatupad ng Ilaw ng Tahanan Foundation Inc. ngayong taon.
Ang naturang foundation na libreng nagkakaloob ng serbisyo sa mga taga-QC na pinangangasiwaan din ni Liberal Party QC Vice Mayoral candidate Joy Belmonte ay nakapaglaan ng tulong medical sa may 89,573 beneficiaries nang magsagawa ng free medical services .
Umaabot naman sa 1,264 beneficiaries ang nabiyayaan ng libreng QC skills and livelihood training center tulad ng barista, bartending, household services, hilot wellness massage, small engine, food and beverage services, baking, dressmaking at culinary.
May 6,147 katao naman ang nabenepisyuhan ng livelihood seminars. Samantala, may 262 katao ang naturuan ng haircut, manicure at pedicure.
Liman-daan barangay officials sa lungsod ang sumailalim sa barangay training on child protection sa pakikipagtulungan ng International Justice Mission.
May 126 na daycare centers naman at 8 satellite libraries ang nabiyayaan ng foundation ng mga libro, gayundin ay nakatanggap ang may 10,000 mag-aaral sa elementarya at high school ng school supplies mula sa foundation, 664 participants ang sumailalim sa leadership training seminars ng Joint Organizing Youth Block (JOYB) at may 2,283 katao naman ang nabigyan ng trabaho nang tulungan ng foundation na makapag-aral ang mga ito sa tulong ng TESDA.
Ang Ilaw ng Bayan Foundation Inc. ay iba pa sa QC Ladies Foundation at Husay Pinay Inc. na libreng seneserbisyuhan ni Joy Belmonte.
“Kaya po sana huwag sabihin nang iba diyan na bago po tayo at walang karanasan, bago lamang po ako sa politika pero matagal na akong naglilingkod sa maraming taga-QC,” pahayag ni Joy Belmonte. (Angie dela Cruz)