Voters' registration umpisa ngayon
MANILA, Philippines - Muling magbubukas ang Commission on Elections ngayong araw upang ipagpatuloy ang voters’ registration sa bansa.
Ito’y bilang pagtalima sa kautusan ng Korte Suprema na palawigin pa o i-extend ng hanggang sa Enero 9, 2010 ang pagpaparehistro sa mga botante, batay sa isinasaad ng batas.
Ayon kay Comelec Spokesman James Jime nez, simula ngayong araw, Disyembre 21, at sa mga susunod na petsa na 22, 23, 28 at 29, ay muli nang tatanggap ang Comelec ng mga nais magparehistro ang lahat ng lokal na tanggapan ng Comelec sa buong bansa.
Nilinaw naman ni Jimenez na tanging ang mga first time registrants ang kanilang ie-entertain sa mga nabanggit na petsa. Aniya, hindi na sila tatanggap ng mga gustong magpalipat ng registration, magpa-reactivate at nais magpatama ng records.
Dapat na rin aniyang asahan ng mga magpaparehistro ang mahabang pila sa mga tanggapan ng Comelec sa mga araw ng pagtutuloy ng registration, kaya’t dapat aniyang tiyakin ng mga ito na kumpleto ang mga dalang requirements sa isasagawang pagpapatala.
Sa kabila naman nito, sinabi ni Jimenez na hindi na isasama ng Comelec sa tally ng mga botante ang mga hahabol sa pagpaparehistro. (Mer Layson/Doris Franche)
- Latest
- Trending