MANILA, Philippines - Pinaiimbestigahan ng isang negosyante sa Presidential Anti-Smuggling Group ang umano’y illegal na operasyon ng isang cold storage sa Pasig na nagbebenta ng meat goods na hindi dumaan sa masusing inspeksiyon.
Sa reklamo ni Ricardo Antonio kay PASG Chairman Antonio Villar, tumatanggap umano ang Pasig Cold Storage plant na nasa Shaw Blvd., Extension, Pasig City ng storage ng mga frozen goods ng hindi nagbabayad ng buwis na nagkakahalaga ng milyong piso sa Bureau of Customs at walang permit mula sa National Meat Inspection Service kaya nilalabag nito ang Republic Act. no. 9296 at Executive Order no. 137.
Unang hiniling ni Antonio sa Bureau of Internal Revenue (BIR) na imbestigahan ang nasabing cold storage establisment dahil sa mga paglabag nito gayung kumokolekta ng P4 milyon mula sa 20 tenants nito na walang BIR registered receipts. (Doris Franche)