^

Bansa

Reward sa 2 tipster ng terorista

-

MANILA, Philippines - Naibigay na ng Anti-Terrorism Council (ATC) ang mahigit sa kalahating milyong piso mula sa P10 milyon reward money para sa dalawang tipster na naging dahilan upang madakip ang dalawang pugante at pagkakapatay sa isa pa.

Ayon kay Justice Un­der­secretary Ricardo Blan­caflor, spokesman ng ATC, simula umano ng pursuit operations tatlo sa 21 te­rorista na tumakas mula sa Basilan Provincial Jail ang naaresto at ang P350,000 na reward money ay na­ibigay na sa isang tao na siyang nagbi­gay ng im­pormasyon sa kinaro­roonan nito kayat naaresto si Amil Baylon at pagka­kapatay kay Nasirul Bali­yung na isang Abu Sayyaf member.

Paliwanag pa ni Blan­caflor na ang nasa­bing operasyon ay ginawa ng magkasanib na puwersa ng Isabela City police at MBLT mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Nanawagan naman si Blancaflor sa publiko na sinoman ang nakakaalam sa kinaroroonan ng 19 pang mga terorista na ma­ki­pag-ugnayan sa Counter Terrorism Unit ng ATC at sa mga otoridad at nanga­kong mananatiling lihim ang mga pagkakakilanlan sa mga ito. (Ludy Bermudo)

ABU SAYYAF

AMIL BAYLON

ANTI-TERRORISM COUNCIL

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

BASILAN PROVINCIAL JAIL

COUNTER TERRORISM UNIT

ISABELA CITY

JUSTICE UN

LUDY BERMUDO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with